DEPARTMENT OF TRANSPORTATION-MARITIME INDUSTRY AUTHORITY
Kahanga-hangang Epikong Bicolano muling itinanghal sa CCP
ITINANGHAL muli ang kahanga-hangang epikong bicolano na ipinalabas na sa Albay kamakailan kasabay ng isang kapistahan at kamakailan nga ay itinanghal sa sentrong pangkultura ng Pilipinas.
Ang IBALONG the musical ni Rody Vera ay isang interpretasyong musical ng bantog na epikong bicolano na isinagawa sa entablado ng multi awarded playwright na si Rody Vera, layunin nitong makapagbigay inspirasyon at maibalik ang tiwala at pananampalataya ng tao sa kabutihan.
si Artistic Director Nanding Josef
Gamit ang mga mayamang alamat na may kaugnayang sa bahagyang katotohanan na pinaniniwalaan ng mga Bicolano lalo ang mga nakakatanda sa kanayunan. Ipinakita rito ang tradisyunal na labanan ng kabutihan at kasamaan, kadiliman at liwanang na bahagi ng mayamang kultura di lang ng Bicol kundi ng buong Pilipinas.
Maaring ang mga ipinakita ay tingnan bilang superstition o kathang isip ngunit bahagi nito ay maari pa ring mai apply sa buhay, ang mga pagsubok, balakid at tagumpay na ibinahagi ng mga karakter ay tunay na mahalaga pa rin sa makabagong panahon.
Ang kanilang mga representasyon ng halimaw, aswang atbp ay bahagi ng mayamang kultura ng Pinoy na karaniwan ay panakot ngunit nagawa nilang maging isang kaaliw-aliw at nakapagbibigay ng aral.
Ginanap sa tanghalang Aurelio V. Tolentino ng Cultural Center of the Philippines ang nasabing musical play na pinagbidahan ng mangaawit at aktres na si Jenine Desiderio sa pamamahala ng Artistic Director nilang si Nanding Josef. (michael n balaguer)
si Jenine Desiderio, ang bida sa Ibalong the Musical
DER KAUFMANN nakatakdang itanghal ngayong setyembre 27 sa tanghalang pilipino
GINANAP ang paglulunsad para sa mga mamamahayag ng pagtatanghal sa entablado na Der Kaufmann (ang mangangalakal o negosyante sa wikang aleman) na isinulat ni Rody Vera halaw sa bantog na Merchant of Venice ni William Shakespeare sa pagkaliwat sa pilipino ni Rolando Tinio (may titulong “Ang Negosyante ng Venesia”).
Dinaluhan ng buong cast kabilang sina Nanding Josef bilang Artistic Director, Rody Vera at Tuxqs Rutaquio at mga aktor at aktres na bumubuo sa tanghalang pilipino. Ang kuwento ng nasabing pagtatanghal ay halaw sa isinulat ni William Shakespeare mga 1596 hanggang 1598, nuon inakalang ito ay isang komedya o nasa klasipikasyong kauri ng huli, dahil sa mga pinagsama samang play, may mga speto rin itong romantiko kaya tila naging tila romantikong-komedya.
Naging bantog ang Merchant of Venice (Negosyante ng Venesia sa pilipino) bunsod ng mga madramang eksena at mga talumpati gaya ng “Hath not a jew’s eyes” at ang talumpati ni Portia tungkol sa “kalidad ng awa”.
Ang nilalaman ng play ngayon ay ukol naman sa galit na hudyong nagpapautang ng pera na nais maghiganti sa isang negosyanteng kristiyano na binalasubas siya sa utang. (mike balaguer)
naglalaman ng masinig na kalinangan ng Pinoy
Comments
Post a Comment