DEPARTMENT OF TRANSPORTATION-MARITIME INDUSTRY AUTHORITY
Kahanga-hangang Epikong Bicolano muling itinanghal sa CCP ITINANGHAL muli ang kahanga-hangang epikong bicolano na ipinalabas na sa Albay kamakailan kasabay ng isang kapistahan at kamakailan nga ay itinanghal sa sentrong pangkultura ng Pilipinas. Ang IBALONG the musical ni Rody Vera ay isang interpretasyong musical ng bantog na epikong bicolano na isinagawa sa entablado ng multi awarded playwright na si Rody Vera, layunin nitong makapagbigay inspirasyon at maibalik ang tiwala at pananampalataya ng tao sa kabutihan. si Artistic Director Nanding Josef Gamit ang mga mayamang alamat na may kaugnayang sa bahagyang katotohanan na pinaniniwalaan ng mga Bicolano lalo ang mga nakakatanda sa kanayunan. Ipinakita rito ang tradisyunal na labanan ng kabutihan at kasamaan, kadiliman at liwanang na bahagi ng mayamang kultura di lang ng Bicol kundi ng buong Pilipinas. Maaring ang mga ipinakita ay tingnan bilang superstition o kathang isip ngunit bahagi nito ay maari pa ring mai apply sa buhay, an...